Wala ng gaganda pa sa mga larong sariling atin. Pinoy na pinoy talaga!
Hindi ito mahihigitan kailanman ng counter strike, dota, pet society, restaurant city, farmville at maging ng plants vs. zombies.
Mayroong kaming mga paboritong laro noon pa man. Mga larong nagpatagaktak ng aming pawis at sobrang nagpalakas 'di lamang ng aming pangangatawan kundi maging ng aming buhay. (Hahahaha. Ang korny pare! Oh, well blog naman namin 'to! XD)
Ito ang aming listahan.
1. Patintero
Dahil sa liit ko, mabilis akong nakakalusot noon sa bawat base. Si dee naman, madaling makahuli dahil sa haba ng galamay (octopus??? :D )
2. Agawan Base o Block 1-2-3
Palubog na ang araw wala pa ring nananalo. Lahat kasi bantay sarado sa base. Buti pa ang poste may bodyguard.
3. Langit' Lupa
Kahit 3 years old ka lang, kaya mo ng maglaro nito. Ang nakapagtataka, wala namang impyerno pero ang linaw-linaw dun sa kanta: "Langit, lupa, impyerno. Im, Im, Impyerno. Saksak puso tulo ang dugo. Patay, buhay, umalis ka na diyan sa puwesto mo mabaho." (Aminin! Napakanta ka na rin. )
4. Bang-sak
Kawawa ako dito kasi kapag naging taya na ko, ako na 'yun forever. Ssa tuwing may mahahanap akong nagtatago, ang bilis mag-sak nung iba pa naming kalaro. Tsk'3
6. I Wanna be a Tutubi
Ipapasa mo lang 'yung bagay sa mga katabi mo pero siyempre, 'di mo dapat malaglag 'yun kundi ikaw ang taya. Kapag naging taya ka naman, nakakainis manghula kasi 'yung mga kumag mong kalaro magaling mandaya. Akala mo andun sa isa 'yun pala wala sa kanya.

7. Pepsi 7-up
Kailangang marunong kang huminto at 'di kumilos kahit na kagatin pa ng langgam ang kili-kili mo kundi sigurado ko ikaw na ang taya. Kapag naman nasa likod na kayo nung taya, siguraduhin mong mabilis kang tumakbo pabalik sa base bago ka niya abutan.

8. Piko
Dito ka ata unang natuto ng geometry eh. Kahit anong bagay kinukuha mo para lang may pamato ka na. Disadvantage ang may malaking paa lalo na kung maliit lang 'yung ginuhit ng mga kalaro mo gamit ang nagkalat na bato sa daan niyo.

Mahirap maging taya. Nakakangalay. Bukod pa dun, kawawa ka talaga kapag sa sobrang katatalon nung naglalaro eh maputol ung garter. Ang sakit kaya nun. Tip lang, huwag ninyong isali 'yung may mahabang legs. Kung hindi naman, gawin niyong kakampi. Kutsabahin niyo lang sa kampihan.
Dangkalan ba? punta ka sa bahay namin mas marami ang teks ko sayo sigurado. Lahat na yata ng klase teks mayroon ako. Flame of Recca, Dragon Ball, Captain Barbell, Darna, Lupin, Pokemon, Ghost Fighter. Basta lahat ng uso nagiging teks. Kahit na teleserye ata mayroon eh.
Pilipino ka bang talaga? Nakakalungkot kung 'di ka makakarelate kahit sa isa man lang sa mga larong binanggit namin. Pero mukhang sa panahon ngayon, sa Internet na talaga nakatutok ang lahat. Minsan lumabas ka naman sa bakuran mo, yayain ang mga dating kalaro at balikan ang mga masasayang alaalang dulot ng mga larong ito.
No comments:
Post a Comment